Si Ding binata
na. ang dating Child Star na si Buboy Villar engaged sa isang Amerianang
dalaga, Paano ba ito nangyari?Sa murang edad
si Buboy na gumaganap bilang si Ding sa palabas na Darna ay napagbabalitaang
ikakasal umano sa isang Amerikanang dalagita na si Angillyn Gorens. Ang
balitang ito ang nagpagulat sa mga sumusuporta sa binata, na sa murang edad na
18 anyos ay ikakasal na ito. Marahil ito nga ang Pag-ibig na pinagkakaabalahan
ng karamihan, pero ang sabi ng iba ang Pag-ibig ay hindi dapat minamadali,
kailangan ay ang mahabang pasensya ukol rito, at sa tamang panahon na kung saan
handa sa mga magiging kakaharapin bilang mag asawa. Ang sitwasyon nila ang
biglaang pagpapakasal ay isang desisyong padalos-dalos at ang mga ito ay wala
pa sa tamang edad upang mag asawa at magsama sa iisang bubong. Ang tunay na
Pag-ibig ay sa tunay na nagmamahal sa isang indibidual.Bilang
kongklusyon ang pagmamahal ay hindi dapat minamadali, dapat tinitukoy muna ang
bawat isang indibidual upang hindi magsisi sa bandang huli. Ang Barayti ng Wika
na ginamit ay Idyolek dahil pansariling wika ang ginagamit ng bawat tauhan sa
nasabing dokumentaryo at Pidgen dahil sa pansarili at pagpapalit ng wika na
ginamit. Ang tungkulin ng wika na ginamit ay INTERAKSYUNAL at PERSONAL.
Prangka, hindi
umaatras sa anumang hamon. Ganyan kung paano isalarawan ng mga taong
nakakaharap nito, at mga taong nakakasalamuha nito sa pangaraw-araw. Ngunit
paano ba nag mga nagging pamamalakad nito simula ng maupo iyo bilang PNP Chief
ng kapulisan?Si Bato ay ipinanganak
sa Bato, Sta. Rosa, Davao Del Sur, sa Davao unang nabuo ang pangarap ni Bato na
maging isang Engineer upang mapatayo niya ng bahay ang kanyang magulang, ngunit
nagkataong iskolar ito sa PMA kaya’t ipinagpatuloy nito ang pagiging pulis.
Maraming nang nakaharap na mga criminal si Dela Rosa, kabilang na ditto ang mga
Drug Lords. Marami ang mga naging pagbabago simula ng dumating sa pagiging PNP
Chief, na si Duterte mismo ang nag upo
sa kanya rito. Ang lahat ng mga gumagamit at nagtutulak ng droga ay nagawang
pasukuin ng dalawang pinagsanib na pwersa ng kapulisan at ng Presidente. Noong
mga nakaraang administrasyon talamak ang gumagamit ng droga sa mga tagong lugar
ng Tondo, na kung saan talamak din dito ang mga kriminal. Ngayong pumasok na
ang administrasyong Duterte marami ang sumuko at nagpasyang sumuko sa batas at
magbagong buhay, sa takot na mapatay at mapalitan ng Nobyembre 2 ang kanilang
kaarawan. Sa haba ng termino ng Presidente maraming pang oras ang gugugulin
upang wala ng matirang gumagamit ng droga sa bansang Pilipinas. Bilang
kongklusyon marahil may kahigpitan ang pamamahala ng administrasyong Duterte at
ng mga kapulisan sa kasalukuyan, dapat na suportahan natin ang ipinaglalaban ng
Pangulo at ng kanyang Bansang Sinilangan kasama na rito ang matapat na pamumuno
ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa ating kapulisan. Ang Barayti ng Wika na
ginamit ay Idyolek dahil sa pansariling wika o nakagawiang paraan ng pang
indibidual. Ang tungkulin ng wika na ginamit ay INTERAKSYUNAL at REGULATORY.
Boyoyong Clown’s
na sumikat noong dekada 80’ hanggang 90’, pero sino-sino ba ang tatlong gumanap
na Boyoyong Clown’s?Ang Boyoyong
Clown’s ay binubuo ng tatlong tao, sina Bobo, Yoyo, at si Ong-ong. Ang Boyoyong
ay mahilig magpasaya ng mga tao noong
Edsa Revolution., tumutulong at nagbibigay kasiyahan sa mga taong nilamon ng
kalungkutan ang sarili, sa mga nagging kaganapan noong Edsa Revolution. Si Bobo
ang pinaka-matalinong Clown sa grupo, at si Yoyo na mahilig maglaro ng yoyo at
taga-pangalaga ng kalikasan, at ang pinaka huli si Ongong ang pinaka-malikot sa
grupo. Si Jose Manalo ay dating nagging miyembro ng Boyoyong Clown’s at siya ay
guamanap bilang si Yoyo. Ang segment na ito ay nagbibigay ng mga mabubuting
aral sa mga manunuod.Ang Boyoyong
Clown’s ay nagging magandang ehemplo sa mga manunuod. Nakakatulong sila sa
pamamagitan ng pagpapatawa at pagbibigay ng magagandang asal sa mga tao. Ang
Barayti ng Wika ginamit ayIdyolek dahil pangsariili at pangkaraniwang wika ang
mga ginamit. Ang tungkulin ng wika na ginamit ayINTERAKSYONALat PERSONAL.